top of page

INSURANCE: Hindi ba sayang ang binabayad mo?



Topic: “Hindi ba sayang ang mga binayad mo sa insurance mo?”


May kakilala, kamag-anak o kaibigan ka ba na nasa insurance business? Nasubukan mo nabang maalukan ng insurance plan ng hindi mo naman naiintindihan pero napilitang kumuha dahil nahiya ka lang? Nagbayad ka pero makalipas ang isang taon hindi mo naman nagamit at parang wala namang nangyari sayo, gumastos ka lang, nagbayad ka lang. sayang ang pera hindi ba?


Ang objective ng insurance ay protektahan ka against financial loss/burden. Nagda-drive ka ba ng kotse? May spare tyre ba ang kotse mo? Nagamit mo ba sya? Kung hindi, hindi ba sayang ung pinambili mo? Kelan mo huling ginamit ung airbag ng sasakyan mo? Since hindi mo pa sya nagagamit, Hindi ba sayang ung airbag?


May insurance ang car mo, pero di ka naman nabangga o hind nawala, hindi ba sayang ung binayad mo?


May insurance ang bahay mo, pero hindi nasunog, hindi tinamaan ng kidlat, hindi binaha, hindi ba sayang ang binayad mo?


May medical insurance ka pero di ka na-confine, di mo nagamit ang health card mo. Hindi ka nagkaroon ng chance magkasakit. Hindi ba sayang ung binayad mo?


Eto ang ilan sa mga ididiscuss natin sa video na ito.

bottom of page